Divorce bill aprub ‘in principle’ sa House panel

Divorce bill aprub ‘in principle’ sa House panel

February 24, 2023 @ 9:16 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House committee on population and family relations “in principle” ang walong panukalang batas sa diborsyo na pagsasama-samahin sa isang substitute measure ng isang technical working group.

Sinabi ni Albay Representative Edcel Lagman na ang Pilipinas na lang ngayon ang tanging bansa na hindi nag-legalize ng absolute divorce.

“Till death do us part, is wonderful. Marriage is beautiful. But only for those who get it right,” dagdag naman ni Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez, na isa sa mga awtor ng panukala.

Sa kasalukuyan, ang tanging legal na paraan para maghiwalay ang mag-asawa ay separation, pagpapawalang-bisa, at dissolution ng kasal.

Karamihan sa mga mag-asawa ay nagsampa ng dissolution of marriage mula 2009 hanggang 2022, ayon sa mga tala.

Bukod sa mahal at mahabang proseso ng annulment at dissolution ng kasal, masalimuot din ito sa Pilipinas.

Bukod dito, inaprubahan na rin ng komite ang panukala para kilalanin ng estado ang annulment ng kasal ng simbahan.

Sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na suportado nito ang panukalang batas na kumikilala sa annulment ng simbahan.

“We are not supportive of the bill on absolute divorce but we are actually supportive of the bill recognizing church annulments. It’s going to be cheaper than the usual one,” saad naman ni CBCP Father Jerome Secillano. RNT