Divorce muling isusulong sa Kamara

Divorce muling isusulong sa Kamara

July 3, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman nitong Linggo na muli niyang inihain ang panukala na naglalayon na gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.

Inihayag ni Lagman na muli niyang inihain ang House Bill No. 78 sa 19th Congress, sa pag-asa niyang “tormented wives can soon be liberated from irretrievably dysfunctional marriages or inordinately abusive marital relations.”

Ang panukala sa absolute divorce ay akmang “apt sequel” sa Reproductive Health Act, na siya ring akda ni Lagman, dahil pareho umano itong makatutulong sa mga kbabaihan, base kay Lagman.

Matatandaang nakapagpasa na rin ng parehong panukala sa huling pagbasa sa Kamara sa 17th Congress, subalit hindi ito nakalusot sa Kamara.

Sa 18th Congress naman, inaprubahan ang parehong divorce bill ng Committee on Population and Family Relations.

Ang Pilipinas ang tanging bansa sa mundo bukod sa Vatican na walang divorce law. RNT/SA