DIYOS, PANAWAGAN KAY PBBM, SAGOT SA KALAMIDAD 

DIYOS, PANAWAGAN KAY PBBM, SAGOT SA KALAMIDAD 

November 3, 2022 @ 1:11 AM 1 month ago


 BILANG sagradong Katoliko, naniniwala tayo na mabisa ang mataimtim na pagdarasal sa Amang Lumikha sa paghingi ng gabay para sa araw-araw nating pamumuhay. “Sa pamamagitan ng ganitong relasyon, nagkakaroon tayo ng kapanatagan ng loob at malinaw na pag-iisip upang magampanan ang mga nararapat gawin lalo na sa panahon ng kalamidad.

“Isang batayan ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”  Pagkatapos ng panalangin, kailangang tuparin ng mga mamamayan ang nakaatang na responsibilidad para na rin sa kaligtasan ng lahat. Mahalagang alamin ng bawat isa ang mga panuntunan at anunsiyo upang maialerto ang sarili at pamilya sa mga paparating na bagyo at iba pang ‘natural occurrences’ sa kanilang lugar.

Sa paghahatid ng tulong sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Bongbong Marcos, masasabi nating “Champion” siya rito.

Maliban sa paggamit ng media platform, baka makatulong ang ating suhestiyon kung paiigtingin niya ang pagpapatupad ng strategic plan at epektibong pagpapakalat ng mga anunsiyo at safety alert kaagapay ang civil defense, pulis, local authorities (lalo na sa barangay level) at iba pang ahensiya partikular sa mga ‘vulnerable area’ para masiguro ang pagtalima sa ‘disaster and emergency plan’ ng bawat mamamayan.

Isang epektibong paraan din ang pagbibigay ng sapat na pondo sa pagpapatuloy ng mga ‘research and study’ para masolusyunan ang mga ‘disaster hazard’ na nagdudulot ng sakit at kumikitil ng maraming buhay.

Mahalaga ring masolusyunan ni PBBM ang mga kakulangan sa implementasyon para tugunan ang mga pangangailangan sa mga search and rescue equipment, rigid emergency responder’s training, comprehensive disaster risk assessment and vulnerability study, suitable evacuation center, animal rescue plan, business continuity and recovery plan at emergency plan inspection and audit na ipinatutupad na sa ibang bansa.

Mahalagang isama din sa mga pag-aaral ang mga ‘preventive measure’ para masiguro ang ‘integrity’ at mapigilan ang sunod-sunod na kaso ng mga ‘bridge and structural collapse’ .

Isama na rin sana ni PBBM ang pagkakaroon ng independent task force na pupuna, pipigil at magkakaso sa sinomang contractor ng pamahalaan na patuloy na sumusuway sa umiiral na mga panuntunan partikular sa structural stability, integrity at safety ng lahat ng construction project.