PNP nagkasa ng ‘reorganization’ ng mga opisyal

August 9, 2022 @1:44 PM
Views:
6
MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police nitong Martes na ipinatupad nito ang reorganization ng mga opisyal sa key positions para sa career growth at pagtatalaga ng “more seasoned” senior officers.
“The reorganization of personnel occupying key positions aims to provide opportunities and career growth,” ayon sa PNP.
“At the same time, this move shall strengthen and empower strategic offices and units with the placement of more seasoned and experienced senior officers at their helms to further hone the operational and administrative undertakings against criminality, enforcement of the law, and maintenance of peace and order,” dagdag nito.
Hindi pa naglalabas ang PNP ng listahan ng mga opisyal at posisyon na kasali sa reorganization. RNT/SA
PBBM saludo sa para-athletes

August 9, 2022 @1:40 PM
Views:
4
MANILA, Philippines – Nag-paabot nang nang pagbati at papuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga atletang pinoy na lumahok at nanalo sa 11th ASEAN Para Games na idinaos sa Indonesia.
Ayon sa pangulo, ang dedikasyon ng mga atleta ay “magandang halimbawa” sa mga kabataang pinoy na nais na subukan ang kanilang swerte sa Philippine sports.
“Binabati natin ang ating mga kampeon sa katatapos lamang na 2022 ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia.
Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit ang tagumpay,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.
“Ang kanilang katatagan at dedikasyon ay isang mabuting huwaran sa bawat kabataang nangangarap maging isang atleta,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Nakasungkit ang Pilipinas ng 28 gold, 28 silver, at 44 bronze medals at hinirang na 5th place sa overall tally sa regional meet at natubanan ang nakolektang 20 golds, 20 silvers, at 29 bronze noong 2017 Malaysian edition. KRIS JOSE
Dating Pangulong Fidel V. Ramos inilagak na Libingan ng mga Bayani

August 9, 2022 @1:14 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Inilagak na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani bago magtanghali nitong Martes.
Ginawaran si Ramos, ika-12 Pangulo ng bansa ng state funeral with full military honors.
Mula sa Heritage Park, dumating ang urn na naglalaman ng abo ng dating presidente sa Presidential Section Gravesite lampas alas-11 ng umaga. Dinala ito ng miyembro ng pamilya ni Ramos.
Ang military chaplain naman ang nagsagawa ng final benediction.
Iniabot ni newly-installed Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang funeral flag to sa asawa ni Ramos, si dating First Lady Amelita Ramos.
Kabilang sa mga dumalo sa libing ni Ramos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa pamilya ng dating Pangulo, si Ramos mismo ay nagsagawa ng ocular inspection sa Libingan ng mga Bayani upang matukoy ang pwesto kung saan siya ililibing.
Puno ng mga bulaklak at iba pang halaman ang libingan ni Ramos mula sa Ming’s Garden, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng dating First Lady.
Kabilang sa mga awiting pinatugtog matapos ang pagtupi ng funeral flag ang “Alerta Filipinas,” “How Great Thou Art,” at “The Lord’s Prayer,” na bahagi ng hiling ni Ramos.
Pumanaw si Ramos noong Hulyo 31. Isinilang noong Marso 18, 1928, sa Lingayen, Pangasinan, na anak ng diplomat at mambabatas na si Narciso Ramos at ng educator na si Angela Valdez, nagtapos siya ng military engineering degree sa US Military Academy sa West Point.
Isa ring beterano si Ramos na nagsilbi sa Korean at Vietnam wars. RNT/SA
PBBM, dumalo sa libing ni FVR

August 9, 2022 @1:00 PM
Views:
21
MANILA, Philippines- Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state funeral ng namayapa at dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani.
Makikita si Marcos na katabi ni dating First Lady Amelita” Ming” Ramos sa libingan.
Si Pangulong Marcos ay distant relative ni Ramos.
Si Ramos ay ika-12 Pangulo ng Pilipinas na binigyan ng state funeral na may full military honors.
Sa ulat, pumanaw si FVR sa edad na 94.
Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos nhabang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon dulot ng COVID-19. Kris Jose
Grade 10 stude tigok sa 6 kawatan

August 9, 2022 @12:35 PM
Views:
23