Djokovic kampeon sa Grand Slam

Djokovic kampeon sa Grand Slam

July 12, 2021 @ 10:18 AM 1 year ago


LONDON – Nasungkit ni Novak Djokovic ang kanyang 20th Grand Slam title at sixth Wimbledon matapos ang four-set victory kontra kay Italian slugger Matteo Berrettini.

Agad namang pinuri si Djokovic ng karibal nitong si superstar Roger Federer sa  naging achievement nito.

Nagwagi ang world number one sa iskor na 6-7 (4/7), 6-4, 6-4, 6-3  upang tapatan ang 20 majors ni Federer at Rafael Nadal.

Sa simula pa lang ng laro ay nagpamalas na ng husay ang Serbian player at agad na nilamangan ang kalaban.

Sinubok pang humabol ni Berrettini pero hindi pumayag si Djokovic  at agad na sinira ang laro ng Italian netter.

Nauna nang nagkampeon ang 34-anyos na si Djokovic sa Australian Open at French Open ngayong taon.JC