Djokovic kampeon sa Wimbledon

Djokovic kampeon sa Wimbledon

July 11, 2022 @ 12:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naibulsa ni Novak Djokovic ang kanyang pangpitong Wimbledon title at pang-21st Grand Slam crown nitong Linggo sa pamamagitan ng pagdurog kay Nick Kyrgios sa loob ng 4th sa bakbakan nila sa finals.

Nagwagi ang top seed na si Djokovic sa iskor na 4-6, 6-3, 6-4, 7-6 (3) upang matapatan ang naitalang pitong title ni Pete Sampras sa All England Club at lumapit ng isang hakbang sa record na hawak ni Roger Federer na eight titles.

Lamang lang ng isang Slam ang 35-year-old na Serbian  kay Federer sa all-time race at nahuhuli lang ng sa record ni Rafael Nadal na 22 majors.

“I’m lost for words for what this tournament and this trophy means to me,” ani  Djokovic. “It always has been and will be the most special one in my heart.”

Pinuri rin ni Djokovic si Kyrgios dahil sa husay nito sa paglalaro sa Wimbledon.

“You showed you deserve to be the best in the world especially on this surface, after this tournament, I wish you all the best, hirit ni Djokovic.”

Tanging si Djokovic lang ang pang-apat na lalaki sa Open era na nagwagi ng apat na sunod-sunod na Wimbledon titles bukod kina Bjorn Borg, Sampras at Federer.

Tinawag naman ni Kyrgios ni parang Diyos maglaro si Djokovic.

“First of all congratulations to Novak and your team, you’ve won these championships that many times I don’t even know any more.”

Aminado ang 40th-ranked player na napagod siya ng husto sa laban kontra kay Djokovic.

“I’m really happy with this result and maybe one day I’ll be here again but I don’t know about that.”JC