Djokovic pinalayas sa Australia

Djokovic pinalayas sa Australia

January 17, 2022 @ 9:08 AM 7 months ago


 MELBOURNE, Australia — Tuluyan nang pinalayas sa Australia si Novak Djokovic matapos ibasura ng korte ang kanyang apela para maiwasan ang deportasyon at makapaglaro sa Australian Open kahit hindi ito bakunado kontra sa COVID-19.  Matatandaang unang ibinasura ng korte ang hamon ng No. 1-ranked tennis player para huwag kanselahin ang kanyang visa.

Ayon kay Djokovic, 34, dismayado umano siya sa naging desisyon ng Australian court subalit iginagalang umano nito ya ang naging desisyon.

Dinala  si Djokovic ng immigration officers sa airport dakong 11:30 ng gabi nitong Linggo papuntang Dubai para ibalik sa kanyang  bansa na  Serbia.

Ayaw naman magkomento ng mga tagapagsalita ng paliparan kaugnay sa isyu.

Hawak ni Djokovic ang siyam na titulo ng Australian Open, kabilang ang tatlo sa magkasunod, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong lumaro para idepensa ang titulo.

“Iginagalang ko ang desisyon ng Korte at makikipagtulungan ako sa mga nauugnay na awtoridad kaugnay ng aking pag-alis sa bansa,” aniya sa isang pahayag.

Sinabi ni Djokovic na siya ay “hindi komportable” na ang focus ay sa kanya mula noong unang nakansela ang kanyang visa pagdating sa airport ng Mebourne noong Enero 6.

“Umaasa ako na lahat tayo ngayon ay makapag-focus sa laro at tournament,” wika nito.

Karaniwan ding kasama sa isang utos ng deportasyon ang tatlong taong pagbabawal sa pagbabalik sa Australia.

Sa Serbia, sinabi ni Pangulong Aleksandar Vucic na ang pagdinig ay “isang komedya na may maraming kasinungalingan.”JC