Djokovic pinayagang maglaro sa Australian Open

Djokovic pinayagang maglaro sa Australian Open

October 13, 2022 @ 8:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinayagan na mga organizers ng Australian Open tennis star na si Novak Djokovic na maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne.

Ayon kay Australian Open tournament director Craig Tiley, na papayagan nilang maglaro ang Serbian tennis star sa unang grand slam tournament ng 2023 kapag nakakuha ito ng visa.

Sinabi ni Tiley na handa silang ayusin ang naging gusot nito sa federal government.

Kung matatandaan, pina-deport si Djokovic at hindi pinayagang maglaro sa nasabing torneo noong Enero dahil sa nagmatigas itong magpakita ng katibayan na siya ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Base sa batas ng Australia, hindi ito papayagan ang isang nadeport na makapasok ng kanilang bansa sa loob ng tatlong taon.

Ayon sa ulat, hindi na rin naglaro si Djokovic sa US ngayon taon dahil hindi pa rin ito bakunado laban sa COVID-19.

Ibinalita rin ni Tiley na bukod kay Djokovic, papayagan din ng organizers ng Australian Open ang mga manlalaro ng Russia at Belarus basta gagamit sila ng neutral flag.

Pinagbawalan kasi ng mga tennis authorities ang mga manlalaro ng Russia at Belarus matapos ang pag-atake sa Ukraine.JC