Djokovic swak sa semis ng Wimbledon

Djokovic swak sa semis ng Wimbledon

July 6, 2022 @ 11:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umusad na sa semifinal rounds ng Wimbledon si Novak Djokovic matapos pataubin  si Sebian tennis star si Jannik Sinner ng Italy sa score na 5-7, 2-6, 6-3, 6-3, 6-2.

Medyo nahirapan ang 35-anyos na si Djokovic sa unang dalawang round hanggang tuluyang makontrol ang laro at talunin ang 20-anyos na Italian player.

Inamin naman nito na naunahan  siya sa dalawang set subalit tuluyan itong nakabawi pagdating ng ikatlo hanggang ikalimang set.

Haharapin nitong sunod  ang sinumang mananalo sa pagitan nina David Goffin ng Belgium o Cameron Norrie ng Britanya.JC