DLSU grad nanguna sa chemical engineering licensure exam

DLSU grad nanguna sa chemical engineering licensure exam

October 19, 2022 @ 8:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanguna ang estudyanteng nagtapos sa De La Salle University sa katatapos lamang na chemical engineer licensure examination na isinagawa ngayong buwan.

Ayon sa Professional Regulation Commission, nanguna si Jerome Ignatius Tan Garces ng DLSU Manila matapos makakuha ng score na 89.30, pinakamataas sa 1,036 estudyante na kumuha ng pagsusulit.

Sinundan ito ni Oliver Roy Prayon Mañgosing ng Xavier University sa ikalawang pwesto matapos makakuha 88.30%, at ni Caesar John Trinidad Alcoriza ng University of the Philippines Diliman sa score na 87.80%.

Sa bilang naman ng mga kumuha ng licensure exam, higit 50% o 531 sa mga ito ang nakapasa.

Ang UP Diliman naman ang nakapagtala ng 96.36% passing rate matapos makakuha ng 53 successful candidates mula sa 55 na kumuha ng pagsusulit. RNT/JGC