DMW Chief naaalarma sa pang-aabuso sa OFWs

DMW Chief naaalarma sa pang-aabuso sa OFWs

August 19, 2022 @ 3:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople nitong Biyernes ang pagkabahala sa illegal trafficking ng migrant workers sa labas ng bansa, dahilan upang mas maging “vulnerable” ang overseas Filipino workers (OFWs) sa panganib.

Napag-alaman ng Department of Migrant Workers (DMW) na ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa United Arab Emirates ang iligal na nire-recruit ng kapwa Pilipino at iba pang foreign agents upang magtrabaho sa third country of destination gaya ng Syria, Iraq, at Lebanon.

Inilahad din niya na kahit sa Europa, mayroon ding mga kaso ng mga Pilipino na pumupunta sa Poland, Hungary, at Romania nang walang sapat na working documentskung kaya’t madalas silang napupunta sa mga mapang-abusong employer.

Dahil dito, sinabi ni Ople na makiipag-usap ang DMW sa ibang host countries na magkasa ng fair labor practice para sa foreign employees, particular na sa domestic workers.

Iginiit niya ang kahalagahan ng adaptation ng Global Compact on Migration ng United Nations General Assembly (UNGA) ung saan mahigit 150 bansa ang bumoto pabor sa pagtatalaga ng malakas na kooperasyon sa pagitan ng member states upang protektahan ang migrants, kabilang ang lahat ng foreign workers.

“Even countries where the sponsorship or ‘Kafala system’ is in place have signed this UN document, signifying their support to sound migration governance and humane treatment of migrant workers, including those in vulnerable occupations such as domestic work,” ani Ople.

Ang Kafala system ay isang  monitoring mechanism para sa migrant workers upang mapigilan ang pag-alis nila o pagpapalit ng employer kahit na inaabuso na sila.

Sinabi ni Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Miyerkules na pinag-aaralan nila ang implementasyon ng deployment ban sa Filipino domestic helpers sa mga bansang pinaiiral ang Kafala system. RNT/SA