DMW gagawa ng whitelist, blacklist agencies sa deployment ng OFWs sa KSA

DMW gagawa ng whitelist, blacklist agencies sa deployment ng OFWs sa KSA

November 22, 2022 @ 3:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Martes na gagawa ang ahensya ng whitelist at blacklist ng mga recruitment agencies kasabay ng muling pagbubukas ng deployment sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Sa isang public briefing, sinabi ni DMW Undersecreatry Hans Leo Cacdac na papayagan lamang na mag-recruit ng mga overseas Filipino workers ang mga whitelisted agencies.

Ito ayon kay Cacdac ay upang masigruo na ang mga OFWs na mag-a-apply sa KSA ay hndi nabibilang sa blacklist at sa halip ay mapabilang sa whitelist.

Nakatakda na rin aniyang ideploy ang unang batch ng mga OFWs sa KSA na aniya ay isa sa pagbabago na ginagawa matapos alisin ng Pilipinas ang deployment ban sa pagpapadala ng manggagawa sa KSA nitong Nov. 7.

Matatandaan na ipinatupad ang deployment ban sa mga household service workers sa KSA dahil sa hindi nabayarang sahod ng OFWs sa Saudi Arabia.

Nangako naman ang KSA na maglalaan ito ng mahigit 2 bilyong riyals para sa hindi nabayarang sahod ng ma sa 10,000 OFWs na mangaggawa ng construction companies na nagdeklara ng pagka-bankrupt. Jocelyn Tabangcura-Domenden