DMW kukuha ng 1K tauhan

DMW kukuha ng 1K tauhan

January 1, 2023 @ 3:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kukuha ng humigit-kumulang 1,000 tauhan ang Department of Migrant Workers (DMW) upang punan ang mga posisyon habang naghahanda na maging fully operational ngayong 2023.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na magbubukas ng 16 regional offices at apat na overseas labor posts para maayos na maserbisyuhan ang mga migrant workers at kanilang pamilya.

Anim na ahensya na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment ang inilipat sa DMW — ang Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Labor Offices, International Labor Affairs Bureau, National Reintegration Center for OFWs at National Maritime Polytechnic.

‌Ayon kay Ople ang unang OFW Hospital sa Mabalacat, Pampanga ay fully operational na.

Ang DMW ay nakapagsilbi na sa 766,290 OFWs at nakapagpa-uwi ng 6,341 distressed Filipinos.

Noong Nobyembre 2022, ang ahensya ay nagbigay ng 16,000 na scholarship sa pamamagitan ng OWWA.

Nangako naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin ang DMW para mas mapagsilbihan nito ang mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden