DMW naglaan ng P20M tulong sa OFW families na apektado ng lindol

DMW naglaan ng P20M tulong sa OFW families na apektado ng lindol

July 28, 2022 @ 4:56 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naglaan ang Department of Migrant Workers (DMW) ng inisyal na P20 milyong assistance fund para sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) ana apektado ng magnitude 7 earthquake sa Northern Luzon nitong Miyerkules.

Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople nitong Huwebes na prayoridad ang mga pinakaapektadong lugar batay sa damage assessment report na ilalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

“This is just an initial allotment to help OFW families affected by the earthquake,” Ople said. “I have directed the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to immediately provide help and find out what other forms of assistance the DMW can provide,” aniya.

Sinabi rin ng kalihim na pwedeng magsumite ng aplikasyon para sa DMW financial aid sa pinakamalapit na OWWA office sa kanilang rehiyon.

Aniya pa, kinakailangan lamang umanong magpakita ng katunayan na mayroon isang kapamilya na nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Once verified, the applications shall be endorsed for financial assistance. The one-time allocation can be used for food, medicines, groceries, water, or any items the OFW family needs immediately,” saad sa press statement ng departamento.

Inihayag din ni Ople na nakikipag-ugnayan na rin siya sa Home Development Mutual Fund (HDMF), o PAG-IBIG Fund, upang pangasiwaan ang emergency loan applications ng OFW families na apektado ng kalamidad. RNT/SA