DMW natuwa sa pag-apruba sa kauna-unahang budget ng ahensya

DMW natuwa sa pag-apruba sa kauna-unahang budget ng ahensya

November 13, 2022 @ 10:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuro ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Nobyembre 12 ang pag-apruba ng Senado sa kauna-unahan nilang budget.

Matatandaan na nagbigay na ng go-signal ang Senado sa nasa P17 bilyon na pondo ng DMW na mas mataas ng P1 bilyon sa orihinal nilang inihihirit.

Sa naturang badyet para sa 2023, kabilang dito ang P4.324 bilyon para sa Office of the Secretary, P11.769 bilyon sa Overseas Workers Welfare Administration, at P230 milyon sa annual recurring allocations para sa retirement at life insurance premiums, sa kabuuang P16.323 bilyon.

“A lot of hard work went into the crafting, defending and approval of the DMW’s 2023 budget. We appreciate our legislators’ love and compassion for our OFWs and their families,” ani DMW chief Toots Ople sa isang pahayag.

Nagpasalamat din siya sa Senado sa pagtugon sa pangangailangan ng ahensya sa naturang budget na isa sa requirements nila para sa full constitution nito.

“We commit to full transparency, accountability, and judicious use of public funds,” ani Ople.

Ilan sa mga programang popondohan ng DMW sa 2023 budget ay ang pagtatayo ng 16 na regional offices at centers sa buong bansa, Overseas Employment Adjudication Offices sa Metro Manila, Regions 3, 4-A, 7, at 11; at ang pagpapalawak ng Migrant Workers Offices, o kilala bilang Philippine Overseas Labor Offices. RNT/JGC