DMW: OFW deployment, tumaas

DMW: OFW deployment, tumaas

January 24, 2023 @ 5:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na tumaas ang deploymenrt ng overseas Filipino workers (OFWs) ngunit mas mababa pa rin ito sa pre-pandemic levels.

Sa Senate subcommittee on economic affairs hearing , sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na  both land-based at sea-based deployment ay tumaas noong 2022 kumpara sa 2021.

“Ang land-based deployment, tumaas ng mga 50 to 70 percent as far as I recall. It could be higher… Sa sea-based, tumaas ng mga by November. By November of last year, same period as compared to 2021, tumaas ng mga 10,000 seafarers ang deployment,” sabi ni Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na base sa trends at sa kanyang pagtataya, posibleng umabot ito sa pre-COVID level sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.

Binanggit din ni Cacdac na nagbukas ang Middle East market at ang ekonomikya doon ay “very bullish.”

Hinahangad ng gobyerno na mag-alok ng $3 billion na retail treasury bonds para sa OFWs sa Hunyo ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden