DMW sa DOJ: Batas sa minimum age ng overseas domestic workers linawin

DMW sa DOJ: Batas sa minimum age ng overseas domestic workers linawin

July 14, 2022 @ 1:45 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinihintay ng Department of Migrant Workers (DMW) is ang paglilinaw ng Department of Justice (DOJ) sa batas na magtataas sa minimum age ng domestic workers sa 24 taon bago sila makapagtrabaho sa ibang bansa.

Naglabas ang Philippine Overseas Employment Administration ng abiso na nagpapatibay sa mga itinakdang probisyon ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 na iligal na mag-hire ng “child” upang magtrabaho sa ibang bansa. Nirebisa ng batas ang kahulugan nh “child” sa overseas domestic workers mula 23 hanggang 24 taon.

Epektibo ang batas ngayong Huwebes.

Sinabi ni DMW Sec. Toots Ople na nakipag-ugnayan na siya sa DOJ upang linawin ang batas na makaaapekto sa overseas domestic workers na nakakuha ng kanilang overseas employment certificate o OEC bago ang implementasyon ng batas.

Aniya, hiniling din din nila sa DOJ na linawin kung ang isang manggagawa na may valid OEC ay papayagan ng Bureau of Immigration na umalis ng bansa kung ito ay wala pang 24-anyos. RNT/SA