DNA result ng natagpuang labi sa Samar clash hinihintay pa ng AFP

DNA result ng natagpuang labi sa Samar clash hinihintay pa ng AFP

September 6, 2022 @ 5:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinihintay pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang resulta ng DNA test sa mga nadiskubreng labi sa pagsabog kasunod ng sagupaan kamakailan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng mga rebelde sa Samar.

Mayroong mga ulat na kasama sa pagsabog ang mga pinuno na sina Benito at Wilma Tiamzon, subalit nilinaw ng militar na hindi pa ito nakukumpirma.

“The one wherein lumabas na it involved the Tiamzon couple, right now what we are doing is that we have the services of the Philippine National Police, particularly Soco, to gather DNA samples and come up with a comparison,” sabi ni AFP chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro nitong Lunes.

“We are still awaiting the result of the DNA test being conducted by the PNP,” dagdag ni Bacarro.

Sa kasalukuyan, narekober na ng mga awtoridad ang anim na bangkay sa iba’t ibang parte ng Samar, base sa militar.

Inilahad naman ng mga awtoridad na kabilang sa mga labi ang tatlong lalaki, dalawang babae at isa na hindi pa natutukoy ang kasarian.

Nitong Agosto, nakasagupaan ng mga sundalo ang grupo ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sakay ng motorized banca sa timog ng Buri Island sa Catbalogan City, Samar. RNT/SA