DND, AFP sa mga Pinoy: Maging mga bayani para sa kapwa

DND, AFP sa mga Pinoy: Maging mga bayani para sa kapwa

August 29, 2022 @ 4:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinilala ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bayani ng Pilipinas at at sinabi sa mga Pilipino na maaari ring maging “modern-day heroes” para sa iba.

Sinamahan nina DND Officer-in-Charge Jose Faustino Jr. at AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro Jr. ang Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa flag-raising ceremony held sa The Tomb of the Unknown Soldiers, Libingan ng Mga Bayani sa Taguig City sa oaggunita sa National Heroes’ Day ngayong Lunes.

“The Department of National Defense joins the nation in commemorating this year’s National Heroes Day, and honoring our heroes who put the nation and our people above all else, including themselves,” pahayag ni Faustino.

Kinilala rin ng Defense chief ang serbisyo at kontribusyon ng modern-day heroes gaya ng front line forces sa paglaban sa COVID-19 pandemic, first responders sa humanitarian assistance at disaster response sa panahon ng kalamidad, ang overseas Filipino workers, at ang araw-araw na mga bayani sa buhay ng bawat isa.

“I enjoin our compatriots to become heroes for others, whenever we can, to our family, friends and strangers,” giit ni Faustino.

Samantala, pinuri naman ni Bacarro ang mga Pilipinong bayani na nagsakripisyo ng kanilang buhay “for us to enjoy the freedom, peace, and security we have today.”

Dumalo rin sa seremonya sina Taguig City Mayor Maria Laarni Cayetano, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante, major service commanders ng AFP, Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Adm. Artemio Abu, Filipino veterans, mga miyembro ng diplomatic corps, at iba pang mga bisita. RNT/SA