DND: Contingency measures nakalatag na sakaling tumindi ang tensyon sa China-Taiwan

DND: Contingency measures nakalatag na sakaling tumindi ang tensyon sa China-Taiwan

August 11, 2022 @ 3:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakahanda ang contingency measures ng Pilipinas, kabilang na ang  detalyadong plano sa pagpapauwi sa mga Pilipino na sa Taiwan and working in Taiwan,sakaling tumindi ang tensiyon sa pagitan ng self-governed island at China, ayon sa Defense department.

Sa Senate hearing nitong Miyerkules, sinabi ni Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge Jose Faustino Jr. na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon sa Taiwan, kung saan halos 150,000 Pilipino ang nakabase rito, at karamihan ay migrant workers.

Matatandaang nagsagawa ang China ng live-fire drills sa Taiwan, kasunod ng pagbisita ni United States House Speaker Nancy Pelosi noong Agosto 2 sa isla, na ilang beses na ibinabala ng Beijing.

Sinabi pa ni Faustino na umaasa sila na ang tensiyon sa pagitan ng Taiwan at China “could be resolved diplomatically” at magbunga ng “peaceful resolution.”

“The thing that we can do is to closely monitor (the situation in Taiwan), and we have prepared contingency if ever the worst scenario will happen. And we hope na hindi na tayo umabot sa ganon,” dagdag niya.

Ibinahagi ni Faustino sa Senado ang setalyadong plano kung paano nila isasagawa ang repatriation ng mga Pinoy.

“May timeline, Sir, kung paano namin gagawin. Naka prepare po ito, Sir—‘yung plano natin,” sabi ni Faustino kay committee chairperson Sen. Jinggoy Estrada.

Tinanong naman ni Sen. Risa Hontiveros ang hinggil sa “worst case scenario” sa Taiwan na may “potential spillover effects” sa Pilipinas.

Sinagot naman ni Faustino na isang “humanitarian crisis” ang magiging dahilan ng paglikas ng mga Pilipino mula sa isla, maging ng iba pang lahi na naroon.

“We expect also that, maybe, there will be some refugees coming to us. Kasi tayo ‘yung pinakamalapit sa Taiwan,” aniya.

“It will affect, not only us, but (globally) just like what happened sa Russia and Ukraine. Nararamdaman na natin ang epekto nito. But this time, we are talking about the sea lanes (of Taiwan Strait) kung saan dumadaan ang almost $5 trillion dollars of economy ng buong mundo,” dagdag niya.

Sakaling magkaroon ng armed conflict, ipinaliwanag ni Faustino habang kailangang kilalanin ng Pilipinas ang defense treaty sa United States, na nangakong gagamit ng pwersa sa pagdepensa sa Taiwan, hindi awtomatiko na iiral ang kasunduan.

“Nakasaad din doon, it will still be according to our constitutional processes. So hindi po ito automatic. It’s the same with the other side, sa US. It will also be based on their constitutional processes,” dagdag niya. RNT/SA