DND gumagawa ng problema kahit wala naman — Defensor

DND gumagawa ng problema kahit wala naman — Defensor

January 19, 2021 @ 6:37 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ng isang mambabatas na gumagawa lamang ng problema ang Department of National Defense (DND) kahit wala namang dapat pag-usapan kaugnay sa isyu sa University of the Philippines (UP).

“We are hoping that Camp Aguinaldo will come to realize that it just created a problem where there used to be none,” pagtukoy ni  Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor sa DND.

Sa liham ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa UP, nagkakaroon aniya ng recruitment sa loob ng campus.

Nanindigan naman si Defensor na hindi kailangan ng UP ng proteksyon mula sa mga militar.

“Any unwanted military presence in UP, or in any higher institution of learning for that matter, is bound to constitute an invasion of academic freedom,” aniya.

“We certainly do not want soldiers, whether in uniform or civilian clothes, stalking campuses and inhibiting the freedom of our teachers and students to study and express their ideas.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •