DND momentum maipagpapatuloy ni Faustino – Lorenzana

DND momentum maipagpapatuloy ni Faustino – Lorenzana

June 17, 2022 @ 5:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni outgoing Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nitong Biyernes na kumpiyansa siya na kaya ni former Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Jose C. Faustino Jr. na ipagpatuloy ang nasimulang mga inisyatiba ng ahensya.

“I am confident that with his years of dedicated service as a military officer, General Faustino will continue the Department’s momentum in our internal security and external defense operations, as well as the modernization of the armed forces and the entire defense organization,” pahayag niya.

“I look forward to working with General Faustino and his team in the transition period leading up to June 30,” dagdag niya.

Si Faustino ay uupo bilang bagong Defense Secretary sa Nobyembre 13, matapos ang one-year appointment ban sa mga retiradong military official.

Si Faustino ang pumalit sa liderato sa AFP kasunod ni Gen. Cirilito Sobejana na nag-retiro noong Hulyo 31, 2021.

Bago italagang 56th AFP chief-of-staff, si Faustino ang naging pinuno ng Joint Task Force Mindanao at nagsilbi ring acting commanding general ng Philippine Army. RNT/SA