DND, NTF-WPS magkatuwang sa pagtatanggol sa PH waters

DND, NTF-WPS magkatuwang sa pagtatanggol sa PH waters

July 21, 2022 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Department of National Defense (DND) na nakikipag-ugnayan ito sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) upang tugunan ang iligal na pagpasok sa katubigan ng Pilipinas.

“Right now, we have sightings of some particularly Chinese militia vessels and some of the Chinese Coast Guard in the contested areas and through the National Task Force for the West Philippine Sea, which is chaired by the National Security Adviser, we coordinate with the NTF-WPS on how to address these incursions,” ani DND officer-in-charge, Undersecretary Jose Faustino Jr. sa isang press briefing.

“Our sovereignty is inviolable and we have to protect our territorial integrity so that’s it, from those lines, the President, we will toe the line kung ano yung kanyang mga statement regarding the West Philippine Sea,” dagdag niya.

Sinabi ni Faustino na posibleng sundin nila ang polisiyang itinakda ng nakaraang administrasyon ukol sa isyu.

“Sa maritime security, right now, nung panahon ni President (Rodrigo) Duterte, nakita nyo yung collaboration, paano tayo nakipag-collaborate sa China in opening up other avenues ng cooperation dito sa West Philippine Sea and I think it’s the same because of the policy of the President (Ferdinand R. Marcos Jr.), our foreign policy, an independent foreign policy, is basically the same,” aniya pa.

Binigyang-diin din niya na nais ng departamento ng mapayapang resolusyon sa pagtatalo sa wps.

“What we want is a rules-based International order in these areas and we support that,” aniya.

Gayundin, nanindigan ito sa karapatan  at hurisdiksyon ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito. RNT/SA