DND sa militar: Presensya sa WPS, palakasin

DND sa militar: Presensya sa WPS, palakasin

December 22, 2022 @ 5:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Department of National Defense (DND) nitong Huwebes na ipinag-utos nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang presensya sa West Philippines Sea (WPS) sa gitna ng ulat ng bagong Chinese activities sa lugar.

“The DND has directed the AFP to strengthen the country’s presence in the WPS, following the monitored Chinese activities close to Pag-asa Island,” pahayag ng DND.

Inihayag ito ng DND kasunod ng ulat ng Bloomberg ukol sa pagtatayo ng China ng bagong constructions at reclamations sa hindi bababa sa apat na unoccupied features sa Spratlys– Eldad Reef, Whitsun Reef, Lankiam Cay, at Sandy Cay.

Matatagpuan ang Eldad at Whitsun Reefs 48 at 60 nautical miles, mula sa Pag-asa Island at saklaw ng 200 nautical miles exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Base sa DND, ang “encroachment” sa WPS o reclamation sa features nito ay banta sa seguridad ng Pag-asa Island “which is part of Philippine sovereign territory.”

Idinagdag nito na delikado ang mga ganitong aktibidad sa marine environment at maaaring ikasira ng estabilidad sa rehiyon.

Nanawagan ang DND sa China na obserbahin ang umiiral na international order at iwasan na palalain ang tensyon sa WPS at South China Sea.

“We strongly urge China to uphold the prevailing rules-based international order and refrain from acts that will exacerbate tensions in the West Philippine Sea and the larger South China Sea,” anito.

Samantala, pinabulaanan ng Chinese embassy in Manila at ng South China Sea (SCS) Probing Initiative ang ulat ng Bloomberg, at tinawag itong “fake news.” RNT/SA