‘Do or die’ basketball game sa Tondo nauwi sa patayan

‘Do or die’ basketball game sa Tondo nauwi sa patayan

August 19, 2022 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa  sa naganap na pamamaril sa isang basketball court sa Tondo, Maynila kagabi.

Naaresto ang  ang suspek sa pamamaril na si Joseph l. Ariola, 40-anyos, ng Ugbo St.,  Tondo, Manila.

Ang namatay ay kinilala namang si John Mathew M.  del Pilar, 24 anyos ng 110 Simon Ext., Brgy. 103, Tondo.

Kabilang sa nasugatan sina Johansel D. Austria,. 18-taong gulang,  binata, ng Sora st., Brgy 105,  na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan, at ang 18-anyos na si Andrea M. Enciso, ng B103 Tondo, Manila, na tinamaan ng ligaw na bala.

Kapwa ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center ang dalawang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon naganap ang krimen sa pumping basketball covered court, sa Brgy 137 Balut, Tondo Manila.

Sinasabing nagkainitan sa basketball ang team ng suspek at kalaban nito hanggang mauwi sa sakitan.

Tinamaan umano sa balikat ang player ng suspek ng kalabang team na naging dahilan ng away, pumagitna ang suspek ngunit naitulak siya ng isa sa mga player ng kalabang team.

Dito na sinasabing bumunot ng baril  na nakasukbit sa katawan ang suspect na si Ariola at sunud-sunod na nagpaputok dahilan para tamaan ang mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden