Doc Willie Ong nagpositibo sa COVID

Doc Willie Ong nagpositibo sa COVID

January 14, 2022 @ 12:44 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagpositibo sa COVID si vice presidential aspirant Dr. Willie Ong, batay sa ulat.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Ong na ang kanyang specimen sa nasal at oral swab ay positibo sa via antigen test.

“Medyo bad news. Tinamaan tayo ngayon [ng COVID-19]. Wala na akong boses… Almost mga day two po ako ngayon ng COVID. Positive tayo sa swab antigen.”

 “Actually, maingat naman talaga ako. Lagi akong naka-N95 [mask] always pag lumalabas pero parang matindi talaga ‘tong Omicron, matindi siya pumasok,” dagdag pa nito. RNT/FGDC