Dockworker todas sa aksidente sa Navotas

Dockworker todas sa aksidente sa Navotas

January 28, 2022 @ 3:07 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isang 25-anyos na dockworker matapos aksidenteng mahulog habang umaakto bilang sling man sa ibabaw ng container na binubuhat ng crane operator sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Jonathan Postrero at residente ng Montalban, Rizal.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P/Cpl. Florencio Nalus, habang si Romeo Margin, 60, crane operator ng Kapak St. Brgy. 12, Dagat-Dagatan ay binubuhat ang isang container, kasama si Postrero sa ibabaw nito at umaakto bilang sling man dakong alas-2:50 ng madaling araw sa loob ng TBS Container Yard sa Honorio Lopez Road, Brgy. NBBS nang laking gulat niya ng makita ang biktima na nahulog sa ibaba.

Kaagad bumaba mula sa crane si Margin at humingi ng tulong sa kanilang mga ka-trabaho bago mabilis na isinugod ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Wala namang nakitang evidensya ng foul play ang pulisya sa pagkamatay ni Postrero dahil ito ay isang aksidente sa trabaho. (Boysan Buenaventura)