‘Dodo’ ni misis dinakma ng katoma sa Bulacan

‘Dodo’ ni misis dinakma ng katoma sa Bulacan

August 16, 2022 @ 5:19 PM 2 months ago


Bulacan- Arestado ang 40-anyos na lalaking driver matapos dakmain ang dibdib at tangkaing hubarin ang saluwal ng misis na kanyang kainuman sa bayan ng San Mguel.

Kinilala ang suspek na si Percival Francisco, may live-in partner habang ang biktima ay itago sa pangalang “Bea”, 27, kapwa residente ng Brgy. San Juan.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-9 ng gabi nitong Agosto 14 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, masayang nag-iinuman si Bea at ang kanyang asawa nang dumating si Percival hanggang sa makitagay sa kanila.

Dahil sa nainom, pumunta si Bea sa palikuran para umihi subalit habang naglalakad ay sinunggaban siya ng suspek at puwersahang ipinasok ang kamay sa kanyang bra.

Hindi pa nakuntento nang tangkaing hubarin ang short ng biktimang napasigaw at humingi ng saklolo kaya mabilis na tumakas ang suspek.

Agad silang nagreklamo sa pulisya na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek na nahaharap sa kasong Attenpted rape habang nasa San Miguel police custodial facility. Dick Mirasol III