DOE bubuo ng alituntunin sa paggamit ng electric vehicle

DOE bubuo ng alituntunin sa paggamit ng electric vehicle

March 21, 2022 @ 12:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Bubuo ang Department of Energy (DOE) ng mga alituntunin para sa paggamit ng electric vehicles habang hindi pa naaaprubahan ang panukala ukol dito, ayon kay Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. nitong Lunes.

Inilahad ni Erguiza na nakapaloob sa panukala ang framework na nagbibigay ng awtorisasyon sa DOE at Department of Transportation (DOTr) na bumuo ng mga alituntunin.

“Pangalawa, pipirmahan na rin po naka-pending na hong batas on electric vehicles,” ani Erguiza.

“Nakalagay na po diyan ang framework at binigyan ng authority ang DOE at gagawin nilang more particular ito, in coordination with the DOTr, at gagawin ang guidelines na ho rito,” dagdag niya.

Ayon sa kanya, naglabas na ng circular para sa sertipikasyon ng mga nais na magtayo ng charging station para sa electric vehicles.

“’Yung electric vehicle natin, merong china-charge, merong hindi na, merong hybrid. ‘Yung mga hybrid tumatakbo on their own, meron nang sariling mechanism sa sasakyan,” aniya. RNT/SA