DOE, DTI nagpaalala sa automatic price freeze sa state of calamity areas

DOE, DTI nagpaalala sa automatic price freeze sa state of calamity areas

September 26, 2022 @ 2:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Energy at Department of Trade and Industry sa mga kompanya ng langis at traders na awtomatikong ipatutupad ang price freeze sa lugar na idedeklarang nasa ilalim ng state of calamity.

Pagbabanta ng dalawang ahensya, posibleng maharap sa reklamo o pagkakulong ang sinumang babawi dito.

Lumitaw ang usaping ito kasabay ng mawalak na epekto ng bagyong Karding sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon kay Rino Abad, direktor ng DOE – Oil Industry Management Bureau, kagyat naman silang maglalabas ng advisory sa mga lugar na ilalagay sa state of calamity ng mga local government units.

“We have already prepared the necessary paperwork for these. We are just waiting for the copies from the LGUS,” ani Abad.

Dagdag pa rito, nakikipag-ugnayan naman ang DTI sa Office of Civil Defense (OCD) upang makakuha ng suhestyon kaugnay ng price stabilization measures sa mga lugar na malubhang naapektuhan ng bagyo.

“We coordinate with the OCD to advise us on declarations. Automatic price freeze applies only to basic necessities,” sinabi naman ni DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo. RNT/JGC