DOE: Electric coops nagtamo ng P5.18M pinsala mula sa N. Luzon quake

DOE: Electric coops nagtamo ng P5.18M pinsala mula sa N. Luzon quake

July 30, 2022 @ 3:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagtamo ang electric cooperatives (ECs) ng mahigit P5 milyong pinsala sa kanilang pasilidad dahil sa magnitude 7 na lindol na yumanig sa Northern Luzon nitong Miyerkules, ayon sa Department of Energy (DOE) ngayong Sabado.

Batay sa ulat ng National Electrification Administration (NEA), sinabi ng DOE na ang total estimated damage cost sa ECs ay nagkakahalaga ng P5,184,141.50:

  • ISECO: P637,725.19

  • ABRECO: P4,000,000.00

  • BENECO: PHP 348,818.31

  • MOPRECO: P197,598.00

Sinabi rin ng DOE na 33 ECs sa Regions I, II, CAR, III, IV-A, at V ang nakaramdam ng Abra magnitude 7 earthquake, sa magkakaibang intensities.

“Out of the 33 ECs, 11 had power interruptions but managed to restore their power services within 24 hours, while the rest of the ECs are in normal operations,” pahayag nito.

Sinabi pa ng DOE na nabigyan na ng enerhiya ng ABRECO ang 100% sa 27 munisipalidad at 303 barangay na pinagseserbisyuhan nito.

“However, there are 78 out of the 61,609 household connections that remain for restoration. The targeted completion date of restoration is on 31 July 2022,” anito.

Samantala, lahat ng power generation plants sa Luzon ang normal na angg operasyon, ayon sa DOE.

Inihayag din ng departamento na base sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sapat ang lebel ng supply at reserves sa Luzon grid. RNT/SA