DOE nagdeklara ng LPG, kerosene price freeze sa Agaton-hit areas

DOE nagdeklara ng LPG, kerosene price freeze sa Agaton-hit areas

April 21, 2022 @ 6:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) nitong Huwebes ang price freeze sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene products sa loob ng 15 araw sa ilan pang lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Agaton.

Sa ipinalabas na abiso, sinabi ng DOE na epektibo na ang price freeze sa LPG at sa Sara at Passi City, parehong lugar sa Iloilo, mula Abril 12 hanggang 26, 2022.

Samantala, epektibo naman ang price freeze sa mga naturang produktong petrolyo mula Abril 13 hanggang 27, 2022 sa Lemery, Iloilo at Potatan, Leyte.

Idineklara ng DOE ang price freeze sa LPG at kerosene sa ilang lugar na nasa ilalim ng state of calamity noong nakaraang linggo.

Sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act, ang “price freeze” ay dapat ipatupad sa basic energy products na ibinebenta sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity. RNT/SA