DOF: PH gov’t mangungutang ng P1.16T sa 2023

DOF: PH gov’t mangungutang ng P1.16T sa 2023

August 26, 2022 @ 5:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahang hihiram ang gobyerno ng Pilipinas ng mahigit sa  P1 trillion para panakip sa tinatayang budget deficit sa susunod na taon.

Sa isinagawang  House of Representatives budget briefings, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na “total revenue projections in 2023 was P3.6 trillion” laban sa panukalang  budget  na P5.268-trillion.

Sinabi pa ni Diokno na ang  “projected expenditures is P5.1 trillion and there will be a deficit of P1.16 trillion.”

Tinanong naman ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman si Diokno kung ang tinatayang  budget shortfall ay  mapopondohan sa pamamagitan ng bagong panghiram ng pera, matigas ang pahayag at tugon ni Diokno na “We have to finance [through borrowings]. We will rely heavily on domestic sources so there will no foreign exchange risks.”

“75% of borrowings will be sourced locally while 25% will be from foreign sources,” anito.

Sa kabila ng projected amount ng  borrowings sa susunod na taon, sinabi ni Diokno sabay sabing  “our needs for borrowing will decline significantly because I don’t think we will have another pandemic in the near future.”

Matatandaang sinabi ni Diokno na hindi na kailangan pang manghiram ang pamahalaan gaya ng ginawa ng nagdaang administrasyong Duterte.

“What is really relevant is debt as a percentage of GDP (gross domestic product), the size of the economy, and that has been declining,” ayon kay Diokno sa nasabing House hearing.

“As of end-June 2022, the debt-to-GDP ratio stood at 62.1%, lower than the 63.5% debt level as a percentage of GDP in the first quarter of the year. As of end-June, the Duterte administration’s last month in office, the national government’s debt stock amounted to P12.79 trillion as the then  administration embarked on a borrowing spree to boost state coffers to respond to the COVID-19 pandemic,” ayon sa ulat.

“Among its expenditures, the then government provided cash aid to vulnerable sectors and procured vaccines to immunize the population as it implemented hard lockdowns to control the spread of the disease, causing economic activity to contract which affected state revenue collection,” ayon pa rin sa ulat.

“Our debt-to-GDP ratio will progressively decline. It will be somewhere in the neighborhood of 50% by the end of 2028,” ang pahayag naman ni Diokno.

Sinabi pa ni Diokno na ang  debt-to-GDP ratio ay dahan-dahang bababa o mababawasan at papalo sa 61.8%  ngayong taon;  61.3% sa taong  2023;  60.6% sa taong  2024, at 59.3% sa taong 2025.

Sa pagtatapos ng admnistrasyong Marcos sa 2028, ang debt level ay bababa sa  52.5%.

Bago ang COVID-19 pandemic, tumama ang debt-to-GDP ratio sa pinakamababang  39.6%.

“Our economy will also increase… our debt in relation to the size of economy that is actually declining. Our current situation is much, much better than before,” ang pahayag ni Diokno. Kris Jose