DOF sa Marcos admin: Fuel excise tax, ‘wag suspendihin

DOF sa Marcos admin: Fuel excise tax, ‘wag suspendihin

June 17, 2022 @ 8:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Binalaan ng  Department of Finance (DOF)  si  incoming administration of President-elect Ferdinand Marcos Jr. laban sa pagsuspinde sa pangongolekta ng  excise tax sa petroleum products.

Ayon sa DOF, may ibang paraan para mapagaan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

May ilang  mambabatas kasi at transport groups ang nananawagan para sa suspensyon ng excise tax sa fuel upang mapagaan ang epekto ng pagsirit  ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa ‘supply disruptions’ sa  global market sa gitna ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Gayunman, sinabi ng  DOF,  na ang pagsuspinde sa buwis sa fuel products ay “not the most efficient approach to alleviating the conditions of affected sectors.”

Nananatili naman ang posisyon ng Malakanyang  huwag suspendihin ang  koleksyon ng excise tax sa langis  sa kabila ng mataas na presyo nito, ang buwis kasi ang nagpopondo sa mga programa ng gobyerno.

Ayon sa Finance Department, “the suspension of the fuel excise tax will reduce government revenues by P105.9 billion, or 0.5% of GDP, in 2022, resulting in a higher deficit and government debt.”

“An increase in deficit and debt, in turn, will potentially raise interest rates on government debt, thereby reducing much-needed fiscal space for funding crucial social and economic programs, more so now when the government needs to sustain and even boost the domestic economy’s recovery from the lingering pandemic and Russia-Ukraine conflict,” ayon pa rin sa departamento.

Nauna nang sinabi ng DOF na ang ‘running debt stock’ ng gobyerno ay maaaring lomobo sa  P15.4 trillion, o P2.2 trillion mahigit pa sa naging pagtaya na P13.2 trillion  sa pagtatapos  ng 2022.

Ang kasalukuyang   excise tax rates para sa mga pangunahing petroleum products ay P10 per liter para sa gasolina, P6 per liter para sa diesel, P5 per liter para sa kerosene, at P3 per liter para sa LPG.

“The suspension of the imposition of excise taxes on petroleum is also extremely regressive and primarily benefits higher-income households,” ayon sa DOF.

“We will just be subsidizing the top 10% of Filipino households who consume about 50% of total fuel consumption in 2022. This means that the larger financial benefits of the suspension will not go to the poor, but to higher income households,” ang pahayag pa rin ng departamento.

Binigyang diin pa ng DOF na  “[t]he better and more equitable way to address the impact of the increasing fuel prices is to provide swift and targeted support to the vulnerable sectors.”

Ito ang dahilan kung bakit pinili ng administrasyong DUterte na maglabas ng cash subsidy na P5 bilyong piso para sa public transport at P1.1 bilyongn piso para sa agriculture sector.

Samantala, base sa pinakabagong data na  available mula sa  Department of Energy,  makikita rito ang  year-to-date adjustments  na may  net increase na P26.55 per liter para sa gasolina, P36.85 per liter para sa diesel, at P33.10 per liter para sa  kerosene “as of June 7.” Kris Jose