Ikalawang araw ng vaccination program sa Maynila, ikinasa

March 3, 2021 @3:00 PM
Views:
25
MANILA, Philippines – Umarangkada na ang ikalawang araw pagbabakuna ng Sinovac vaccine sa Sta. Ana Hospital.
Sa pahayag ni Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital, karamihan sa mga medical frontliner na nagpapabakuna sa ngayon ay ang mga health workers mula Justice Jose Abad Santos Medical Center.
Nakatakda namang bakunahan ang mga medical personnel ng Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa mga susunod na araw. Kuha ni Crismon Heramis
Vaccination drive sa San Lazaro Hospital umarangkada na

March 3, 2021 @2:01 PM
Views:
19
MANILA, Philippines ā Umarangkada na ang pagbabakuna ng Sinovac COVID-19 vaccine sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz Maynila kung saan unang nabakunahan si SLH head Dr. Rontgene Solante ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine. Jhun Mabanag
Oplan Lambat Bitag Sasakyan sa EDSA

March 3, 2021 @1:31 PM
Views:
23
Nagkasa ng āOplan Lambat Bitag Sasakyanā ang Philippine National Police Highway Patrol Group kasama ang Metropolitan Manila Development Authority traffic management at Land transportation Office sa kahabahan ng EDSA Caloocan south bound. Danny Querubin
Vaccination program sa Taguig, umarangkada na

March 2, 2021 @5:10 PM
Views:
56
MANILA, Philippines ā Ikinasa na sa Taguig City ang vaccination program nito ngayong Martes, Marso 2.
Isinagawa ang pagbabakuna sa mga healthcare worker ng lungsod sa Taguig City Vaccination Hub, Lakeshore Mega Complex, sa barangay Lower Bicutan.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang pagtanggap sa 300 dosage na bakuna mula sa national government galing sa 600,000 donasyong Sinovac vaccine ng Tsina.
Pinangunahan ng Department of Health ang pagbabakuna sa 100 frontliners.
Samantala, mayroong 716 vaccinators na sinasanay ang syudad na magtuturok sa itinayong limang vaccination centers na matatagpuan sa Lakeshore Hall, Center for the Elderly, Vista Mall Parking Building, Taguig City University at Maybank Performing Arts Theater or Mind Museum sa Bonifacio Global City.
Nakapaglaan naman ang Taguig City Government ng P1 Bilyong pondo pambili ng bakuna ng AstraZeneca. RNT
Vaccination program sa Maynila umarangkada na; VM Lacuna-Pangan nabakunahan

March 2, 2021 @11:11 AM
Views:
60
MANILA, Philippines ā Umarangkada na ang Ceremonial Vaccination ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na isinagawa sa Sta. Ana Hospital ngayong umaga.
Pinangunahan ni Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold “Poks” Pangan ang pagpapabakuna ng Sinovac vaccine kasama ang pamunuan ng Sta. Ana Hospital.
Hindi naman nakasama sa mga naunang nabakunahan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso dahil batay sa panuntunan na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF), prayoridad na mabigyan ng libreng bakuna ang mga health worker.
Ayon kay Domagoso, naunang mabakunahan si Vice Mayor Honey Lacuna dahil bukod sa pagiging bise alkalde ng lungsod ay nagsisilbi rin aniya itong medical frontliner dahil isa itong doktora na bumababa sa mga barangay sa Maynila lalo na nitong kasagsagan ng pandemya.
“As soon na payagan ang mga Mayor na mabakunahan, I get myself vaccinated. Kahit anong brand ipatuturok ko sa akin, kahit Sinovac,” ani Domagoso.
Giit ni Domagoso, pitong beses na umano siyang na-expose sa sakit na COVID-19 at pitong beses na rin siyang sumailalim sa swab testing kung saan nagnegatibo naman siya sa nasabing sakit.
Dahil dito, inggit na inggit na umano si Domagoso dahil gustong-gusto na umano nitong mabakunahan upang kahit paano ay may proteksyon na ang kanyang katawan laban sa nakamamatay na sakit bukod pa na ito ang kanyang naipangako sa publiko partikular na sa mga Manilenyo na magpapabakuna siya para maibsan ang pangamba ng mga ito laban sa Covac.
“Don’t miss the opportunity. Ang mabisang bakuna ay ang bakuna na nasa braso mo, ” panawagan ni Domagoso sa mga medical frontliners at sa publiko.
Paliwanag ni Domagoso, nasa 3,000 dosage ng Sinovac vaccine ang inilaan ng gobyerno sa lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan maaaring mabigyan ng libreng bakuna ang may 1,500 medical frontliners.
Aniya, nakatakdang mabakunahan ang may 200 health workers ngayon sa Sta. Ana hospital at susunod ang ilan pang mga medical frontliner mula sa lima pang pampublikong ospital ng lungsod kabilang na ang Ospital ng Tondo, Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Justice Jose Abad Santos General Hospital at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Inaasahan na bago matapos ang linggong ito ay tapos nang ibakuna sa mga health worker ang unang batch ng COVID vaccine na inilaan sa lungsod ng Maynila.
Nabakunahan din sina Sta. Ana Hospital Head Dra. GraceĀ Padilla at ilang health workers ng nasabing hospital.
Target ng pamahalaang lungsod ang pagbabakuna sa 200 healthcare workers ngayong araw.