DOH: 2 sa 3 kaso ng Omicron sub-variant, nakarekober na

DOH: 2 sa 3 kaso ng Omicron sub-variant, nakarekober na

May 18, 2022 @ 10:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dalawa sa tatlong kumpirmadong kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa Western Visayas ay nakarekober na habang ang isa pa ay nanatili sa hospital sa Iloilo City, ayon sa pahayag ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development (DOH WV CHD).

Lahat ay mga senior citizen at ganap na nabakunahan, dalawa ay lalaki na mga lokal na kaso at isang babaeng bumabalik sa bansa (ROF) mula sa United States of America.

“The DOH Western Visayas Center for Health Development is closely coordinating with local government units (LGUs) following the confirmation of these three cases,”bahagi ng pahayag na nilagdaan ni Director Ma. Sophia Pulmones.

Ang dalawang lokal na kaso, parehong mula sa lalawigan ng Iloilo, ay isang 69-anyos na lumabas nitong Martes at isang 66-anyos na nagpapagaling pa.

Ang 60-anyos na ROF na naka-recover din ay dumating sa Pilipinas noong Abril 20, pumunta sa Iloilo noong Abril 25, at nagpositibo noong Abril 27.

Lahat ng tatlong specimen ay ipinadala sa University of the Philippines-Philippine Genome Center Visayas noong Mayo 12 at lumabas na positibo para sa subvariant ng Omicron ayon sa resulta na inilabas noong Mayo 16.

Isa sa tatlong malalapit na contact ng ROF ang nag-negatibo habang nasa ilalim ng verification ang status ng dalawa pa.

“Local epidemiology and surveillance units of the concerned LGUs have undertaken backtracing to identify all close contacts and to complete the case profile of the confirmed case to identify exposure, travel history, (and) current health and isolation status,” ayon pa sa pahayag.

Pinayuhan ng DOH ang mga close contact na may mga sintomas na ihiwalay at sumailalim sa swab tests habang ang mga asymptomatic ay maaaring mag-quarantine ng hindi bababa sa limang araw kung ganap na nabakunahan o 14 na araw kung partially vaccinated o hindi nabakunahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden