DOH: 5 lugar sa NCR, ‘moderate risk’ na sa COVID; alert level 2 posible
June 26, 2022 @ 3:16 PM
2 months ago
Views:
381
Remate Online2022-06-26T14:39:00+08:00
MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na apat na lungsod sa Metro Manila ang inuri na bilang “moderate risk” sa COVID-19 transmission, habang patuloy na lumalaki ang mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health system kung saan kabilang sa mga lugar sa NCR na moderate risk na ay ang:
-
Lungsod ng Marikina
-
Lungsod ng Pasig
-
Pateros
-
Quezon City
-
San Juan
“Ang kanilang growth rate ay lumalagpas ng 200 percent dahil nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso, kaya tumaas ang growth rate,” Vergeire said in a televised briefing.
“Computation ’yan at hindi mabahala pero kailangan vigilant tayong lahat.”
Paliwanag ni Vergeire na ang mga lugar na nasa ilalim ng moderate risk ay maaaring ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2.
Ngunit idinagdag niya na ang data ay hindi nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa mas mahigpit na mga paghihigpit sa kuwarentenas sa gitna ng medyo mababang bilang ng mga pasyente ng COVID na na-admit sa mga ospital.
“For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That’s the time we are going to decide and that’s going to be IATF to decide,” aniya pa.
“Marami tayong factors lagi that will contribute to the increase in number of cases. Tama kayo, kasama na diyan ‘yung pagpasok ng subvariants ng omicron sa ating bansa, which, based on evidence, is more transmissible. Kasama na rin diyan … ‘yung compliance sa minimum health standards,” dagdag pa niya.
Karamihan naman sa mga admission ng ospital, aniya, ay banayad at asymptomatic na mga kaso ng COVID-19 habang ang mga malalang kaso ay “hindi ganoon kahalaga.”
Nakapagtala ang Pilipinas noong Biyernes ng 770 bagong kaso ng COVID-19, na itinuturing na pinakamataas na bilang ng araw-araw na impeksyon mula noong Marso 6. RNT
August 10, 2022 @4:00 PM
Views:
8
MANILA, Philippines- Pinoproseso na ng Department of Trade and Industry ang implementing rules and regulations (IRR) ng Vape Bill, na kumokontrol sa produksyon at pagbebenta ng vape at tobacco products.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo nitong Miyerkules na sisimulan na ng DTI wang konsultasyon sa Food and Drug Administration (FDA) sa mga susunod na araw.
“‘Pag ka naayos sa dalawang ahensya, ilalabas for public consultation… Nagmamadali rin po tayo para siguradong ma-implement natin nang maayos ang Vape Law,” aniya sa public briefing.
Kinumpira ng Malakanyang nitong nakaraang buwan na nag-lapse into law ang kontrobersyal na panukala, na naglilipat ng regulatory powers ng mga produkto mula sa FDA sa DTI.
Nanawagan ang ilang stakeholders kabilang na ang Departments of Health at Education, medical groups, at mga mambabatas kay PangulongBongbong Marcos na i-veto ang panukala.
Nauna nang ihayag ni Senator Pia Cayetano ang pagkadismaya sa paglusot nito sa batas,at iginiit na sapat na ang Sin Tax Law upang makontrol ang paggamit ng vape.
Subalit, sinabi ni Costelo na susundin lamang ng DTI ang nakasaad sa panukala, at anumang health concerns sa ilalim ng vape products ay FDA na ang bahala.
“Kung walang health claim, magiging automatic na sa DTI and we’re ready. Kung gusto po ng batas o binibigay sa atin ‘yung responsibilidad, hindi natin siya tatanggihan at nagpre-prepare na po tayo para magawa natin ‘to,” aniya. RNT/SA
August 10, 2022 @3:56 PM
Views:
10
Bulacan- Arestado ang dalawang lalaking nagpakilalang pulis at nangholdap ng dalawang binatang salesman sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ang dalawang pekeng pulis na sina Reggie Chico Garcia, 32, may-asawa, factory worker ng Brgy. Tikay at Angelo Roque Asistin, 27, may kinakasama, shoe repairman ng Brgy. Bangkal ng lungsod.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Mark John Contridas Butal, 23, binata at Ronel Rabina Artiaga, 24, binata, kapwa residente ng Brgy. Mabolo.
Sa report, nangyari ang panghoholdap sa mga biktimang lulan ng motorsiklo bandang alas-8:50 ng gabi nitong Agosto 9 sa Brgy. Sto. Niño ng lungsod.
Ayon sa report, pinara ng mga suspek ang dalawang biktimang nakamotor at kinuha ang lisensiya ng rider.
Pinayuhan ang mga biktima ng mga nagpakilalang pulis na sumunod sa kanilang istasyon kaya sinundan nila ang mga ito.
Nang makarating sa madilim na lugar ay biglang huminto ang mga nagpakilalang pulis, tinutukan sila ng ice pick hanggang kunin ang kanilang pera, celphone, mga gamit at mabilis na tumakas.
Dahil dito, humingi ng saklolo sa mga totoong pulis ang mga biktima na mabilis rumesponde sa lugar hanggang sa tinugis at nahuli ang mga ito sa Brgy. San Juan.
Narekober sa mga suspek ang Oppo A5 cellphone, wallet na may mga ID, Atm card, P7,000, sling at belt bag na may mga ice pick.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery at usurpation of authority habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol
August 10, 2022 @3:48 PM
Views:
16
MANILA, Philippiens- Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules na nailabas na nito ang P1 bilyong pondo para sa emergency shelter assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette noong Diyembre 2021.
Inihayag ng DBM na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang special allotment amounting na nagkakahalaga ng P1,580,123,000.
Para ito sa P10,000 emergency shelter assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tumulong sa rekonstruksyon ng 153,410 totally damaged na mga tahanan sa Regions VI, VIII, X, at XIII.
Sinabi rin ng Budget department na humiling ang DSWD na irelease ang P1.5 bilyon noong Agosto 2, 2022, na natanggap ng ahensya kinabukasan.
Ipinalabas ang Special Allotment Release Order (SARO) noong Agosto 8, 2022, anito.
“Bawat isa sa atin ay itinuturing ang tahanan bilang isang safe haven o ligtas na lugar. Ang pagkakaroon ng isang maayos na tahanan ay dalangin ng bawat Pilipino. Kaya kaisa po ang DBM sa pagtulong na masigurong bawat tahanang nasira ng bagyong Odette ay maiayos upang komportableng masilungan ng ating mga kababayan kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay,” pahayag ni Pangandaman.
“Bagaman tumama ang bagyong Odette noong nakaraang taon, hindi po nakalimutan ng inyong pamahalaan ang mga nasalanta. Patuloy ang pagbibigay natin ng tulong sa mga nangangailangan para sa kanilang pagbangon muli,” dagdag niya.
Hinagupit ng bagyong Odette ang bansa noong Disyembre 2021, kung saan apektado ang Regions IV-B, VI, VII, VIII, X, at XIII. RNT/SA
August 10, 2022 @3:42 PM
Views:
12
MANILA, Philippines — Todo pa rin ang paghahanda ni reigning ONE strawweight champion na si Joshua Pacio para sa kanyang susunod na pagdepensa sa hawak na titulo laban kay Jarred Brooks na inilpat ng ibang petsa.
Ang tanging natitirang world champion para sa Pilipinas sa Singapore promotion, sinabi ni Pacio na patuloy siyang nagsusumikap upang mapabuti ang kanyang laro habang lumilipas ang mga buwan.
“Tuloy tuloy lang yung training. More on drills, hasa ng techniques. And of course, learning new things parin,” ani Pacio.
Dumaan si Brooks sa strawweight division upang makuha ang titulo matapos lamang ang tatlong laban sa ONE Championship. Isa sa mga biktima ni Brooks ay ang kasamahan ni Pacio sa Team Lakay na si Lito Adiwang.
Pinasuko ni Brooks si Adiwang sa ikalawang round ng kanilang laban sa ONE: Next Gen III noong Oktubre.
Alam niya kung gaano ito kahirap, umaasa si Pacio na pabor sa kanya ang posibilidad — kabilang ang kalamangan sa home court.
Dahil ang ONE CEO na si Chatri Sityodtong ay nagpahayag na ng kanyang pagnanais na bumalik sa mga live na kaganapan sa Pilipinas sa gitna ng pandemya, umaasa si Pacio na ang kanyang depensa laban kay Brooks ay darating sa harap ng maraming tao sa Mall of Asia Arena.
“Yun yung isang hinihintay naming mga Team Lakay athletes, no? Yung mag-open sana dito sa Pilipinas,” ani Pacio.
“Sana nga dun tayo magdedepensa kasi iba talaga yung pag nasa harapan ka ng mga Filipino crowd, iba yung energy and yun nga, dagdag motivation, dagdag lakas sa aming mga athletes kapag dito kami sa Pilipinas lumalaban,” wika pa nito.
Mula nang makuhang muli ang strawweight belt laban kay Yosuke Saruta noong Abril 2019, nakagawa si Pacio ng tatlong matagumpay na pagdepensa sa titulo: laban kay Rene Catalan, Alex Silva at Saruta muli noong Setyembre noong nakaraang taon.JC
August 10, 2022 @3:34 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Maaaring makakuha ng access ang Pilipinas sa mga bakuna sa monkeypox sa 2023, sinabi ng Department of Health noong Miyerkules, sa gitna ng tumataas na demand para sa bakuna.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa pribadong sektor sa pagkuha ng mga bakuna para sa sakit.
Ayon kay Vergeire, sa naturang pag-uusap, ang pinakamaagang deliveries kung sakaling makakabili ng bakuna ay sa 2023.
Sinisiyasat ng DOH ang iba pang paraan upang makakuha ng kahit kaunting bakuna sa monkeypox, na unang ibibigay sa mga healthcare worker, dagdag niya.
Tatlong gumagawa ng bakuna sa monkeypox ang natukoy na ng ahensya.
Plano rin aniya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na bilhin ang mga bakuna sa kabuuan ay nasa initial stage pa rin.
“With this Asean, it is still on the stage of exploratory meetings and then the whole Asean membership, these 10 countries, will be procuring as one so that we can have stocks for all of these countries. But at the initial stage pa lang po iyon,” ani Vergeire.
Mahigit sa 16,000 kumpirmadong kaso ang naitala sa 75 na bansa hanggang ngayong taon, ayon sa World Health Organization.
Kinumpirma ng Pilipinas ang unang kaso nito noong Hulyo 29. Natukoy ng Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox.
Sinabi ni Vergeire na ang pasyente ay gumaling mula sa sakit, pinalabas mula sa isolation at pinahintulutang makipag-ugnayan sa ibang tao.
Matagal nang naging endemic ang Monkeypox sa Central at Western Africa ngunit nagkaroon na ng mga outbreak sa buong mundo mula noong Mayo.
Karamihan sa mga kaso sa buong mundo, sinabi ni Vergeire, ay kumalat sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng sekswal na aktibidad.
Kasama sa iba pang mga ruta ang direktang kontak o sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay o tela na ginagamit ng isang taong nahawaan.
“Just to clarify, gusto ho natin sabihin sa ating mga kababayan, kahit sino po maaaring magkaroon ng monkeypox,” sabi ni Vergeire.
Ayon pa kay Vergeire, hindi lamang isang sektor ng lipunan ang puwedeng magkaroon nito dahil iba-iba ang kaniyang pagsalin o pagkakahawa sa ibang tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden