DOH, BAI nagbabala vs frozen eggs

DOH, BAI nagbabala vs frozen eggs

January 31, 2023 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na iwasang bumili o kumain ng mga frozen egg na ibinibenta na sa ilang mga pamilihan sa bansa.

Ayon sa dalawang kagawaran, posibleng magdulot ito ng food poisoning dahil delikado ito sa Salmonella at E. coli bacteria.

Sa pahayag, hinimok ng DOH ang publiko na siguruhing maayos ang paghahanda ng mga pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga ito, kasunod na makatanggap sila ng ulat na mas gusto nang bumili ng frozen eggs ang mga tao dahil mas mura ito.

“Frozen eggs can be a source of contamination and eventually cause food poisoning since raw foods are suitable for the growth of Salmonella bacterium and Escherichia coli (abbreviated as E. coli),” ayon sa DOH.

“These bacteria are known to cause infection, diarrhea (which can be severe and bloody), stomach pains, fever, nausea and vomiting,” dagdag pa.

Samantala, sinabi rin ni BAI spokesperson Arlene Vytiaco na hindi ligtas kainin ng tao ang mga itlog na binasag na.

“Sa surface ng shell, puwedeng may bacteria na pwedeng pumasok sa loob if the shells are cracked,” pagbabahagi ni Vytiaco sa panayam ng DZBB.

“Ang number one na bacteria talaga dito is salmonella which causes typhoid fever, etc.,” dagdag pa.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa DOH kaugnay ng isyung ito.

Bilang pagtatapos, nagpaalala ang DOH na kung bibili ay siguruhin munang malinis, walang bitak, maayos ang kulay at walang masangsang na amoy ang itlog na bibilhin.

Dapat ding lutuing mabuti ang itlog bago kainin.

Maliban sa DOH at BAI, maging ang Philippine Egg Board Association (PEBA) ay hindi sang-ayon sa frozen eggs dahil bagsak ito sa kanilang pamantayan. RNT/JGC