DOH bantay-sarado sa bagong COVID-19 variant sa Indonesia

DOH bantay-sarado sa bagong COVID-19 variant sa Indonesia

April 7, 2021 @ 5:53 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Binabantayan na ng Department of Health (DOH), Miyerkoles, ang naitalang bagong variant ng COVID-19 sa Indonesia, at sinabing hindi pa ito nade-detect sa Pilipinas, sa ngayon.

Sa media briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inabisuhan na ng DOH ang Philippine Genome Center (PGC) at UP National Institute of Health (UP-NIH) ukol sa bagong variant.

Ang Indonesia nitong Martes ay iniulat ang unang kaso ng nasabing variant na naglalaman ng E484K mutation na naunang nakita sa South Africa at Brazil.

Tinawag ito ng mga siyantipiko na “Eek” dahil sa “its apparent ability to evade natural immunity from previous COVID-19 infection and to reduce protection offered by current vaccines.”

“As far as they know, as far as their data will show, from the different genome sequencing that we have done already, wala pa tayong nakikitang ganito,” ani Vergeire. RNT


  •  
  •  
  •