DOH binatikos sa nasayang na P15.6B halaga ng bakuna vs COVID

DOH binatikos sa nasayang na P15.6B halaga ng bakuna vs COVID

November 21, 2022 @ 7:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Matinding binatikos ng minority bloc sa Senado nitong Lune sang Department of Health (DOH) sa nasayang bakuna laban sa COVID-19 na nagkakahalagang P15.6 bilyon.

Kapwa, pinalagan nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senador Risa Hontiveros ang iniulat ng DOH na umabot sa 31.3 milyong doses ng bakuna na nagkakahalagang P15.6 bilyon ang nasayang, kundi man napaso, hindi nagamit.

“Indeed P15 [billion] down the drain na parang wala lang sa kanila, ‘within acceptable limits’ pa daw, as if we just print money out of thin air with no economic consequences,” ayon kay Pimentel sa text message.

Sinabi naman ni Hontiveros na lubhang nakakapuna ang “steady trend” ng nasasayang na bakuna kaya’t sinabi nitong hindi dapat masayang ang p15.6 bilyon sa maraming krisis na kinahaharap ng bansa.

“Wala tayong luxury na magtapon ng mas mataas pa sa P15.6 bilyon sa kaliwa’t kanang krisis at demand for funding of equally important government programs,” ani Hontiveros sa statement.

“There is a steady trend of waste which means that efforts to curb it have been ineffective so far. Even if the WHO adjusted the threshold, we cannot afford the cost,” giit pa niya.

Umaasa at nagtitiwala naman si Hontiveros sa DOH na palalawakin ang pagkilos nito upang mabawasan ang bilang ng nasasayang na dosage dahil alam ng Health officials ang mga salik kung bakit nagkakaroon ng ganitong problema.

Nanawagan din ang senador sa Palasyo na palakasin ang vaccination program ng pamahalaan dahil apektado ng pakataran ng administrasyon ang pananaw ng taumbayan sa pandemya.

“More importantly, the President and entire Cabinet should step in to ensure an accelerated vaccination program. After all, their policies create the public perception that the pandemic is over kaya mas nakakampante ang mga kababayan nating huwag magpabakuna at magpa-booster,” ani Hontiveros.

Samantala, inihayag naman ni Senador Pia Cayetano, nagdepensa ng badyet ng DOH na umabot lamang sa 12 porsiyento sa kabuuang bilang ng bakuna na natanggap ng pamahalaan na pawang nasa indicative wasted rate ng World Health Organization.

“The WHO had found out that in low-income, middle-income and even the high-income countries’, wastage rate went up to 30%, prompting the body to set the acceptable rate for wasted vaccine doses to 25%,” paliwanag ni Cayetano. Ernie Reyes