DOH-breast milk hub binuksan sa Quezon

DOH-breast milk hub binuksan sa Quezon

March 28, 2022 @ 11:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Pormal nang binuksan ng Department of Health – Center for Health Development – Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at ng Tayabas City Health Office ang kauna-unahang  breast milk hub ng rehiyon na matatagpuan sa  Barangay Mateuna sa Tayabas City, Quezon.

Layon ng lactation hub facility na magbigay ng ligtas na breast milk sa mga may sakit at mga naulilang sanggol sa panahon ng pandemya at emergency.

“The opening of the breast milk hub will cater to the needs of more infants and lactating mothers. Human breast milk is essential to an infant’s early development because it provides all the nourishments that babies need in their first six months of life and treatment of conditions associated with prematurity and other neonatal illnesses,” ayon kay Regional Director Ariel Valencia.

Ang panrehiyong tanggapan ay nagbigay ng kagamitan at mga kailangan para sa breast milk hub, tulad ng mga chest freezer, ice pack, manual breast pump, at breastmilk storage bag.

Ayon kay Ms. Jellie Anne Palencia, Nutrition Dietitian IV at Outcome Manager ng Nutrition and Breastfeeding Program, ang Tayabas City Breastmilk Hub ay kokolekta at mag-imbak ng gatas ng ina mula sa mga kalapit na lugar sa Quezon at dadalhin ito sa Batangas Medical Center (BatMC) Human Milk Bank para sa pasteurization.

Samantala, muling hinimok ni Director Valencia ang mga lactating mother  na positibo sa COVID-19 na ipagpatuloy ang pagpapasuso sa kanilang mga sanggol.

“Breastfeeding must not be disrupted even though we are still in a pandemic because its benefits significantly outweigh the potential risks for transmission. Make sure to follow the Minimum Public Health Standards (MHPS) such as hand washing and wearing a face mask while nursing an infant,” binigyang-diin pa ni Valencia.

Ilang pag-aaral na ang nagpapakita na ang COVID-19 ay hindi pa natukoy sa gatas ng ina ng isang kumpirmadong COVID-19 o pinaghihinalaang ina na may COVID-19, at mukhang malabong naililipat ang virus sa pamamagitan ng pagpapasuso. Jocelyn Tabangcura-Domenden