DOH bukas sa pagbibigay ng COVID booster shots ‘pag maayos na ang suplay — Duque

DOH bukas sa pagbibigay ng COVID booster shots ‘pag maayos na ang suplay — Duque

August 23, 2021 @ 12:52 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Bukas ang Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng coronavirus disease (COVID-19) booster shots sa publiko oras na maging sapat na ang suplay nito.

Sa virtual forum, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang pagpayag sa COVID-19 booster shots ay hindi pa maaari sa ngayon dahil marami pa ang hindi nababakunahan.

“The IATF has not adopted booster dose in our vaccination program for the simple reason that we do not have the sufficient volume to even provide the first dose for most of our people,” dagdag pa ni Duque.

Mababa aniya ang vaccination coverage ng dalawang dose ng COVID-19 shots.

Samantala, nilinaw ni Duque na bukas ang Health Department sa nasabing ideya.

“We’re not shutting the doors for the possibility of translating this into policy once the volume is in, the sufficient supply is in.” RNT/FGDC