DOH-Calabarzon nag-donate ng ambulansya sa PNP-4A

DOH-Calabarzon nag-donate ng ambulansya sa PNP-4A

November 13, 2020 @ 6:51 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nag-donate ang Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng land ambulance sa Regional Health Service, Regional Tactical Operations Center – Police Regional Office 4A (RHS RTOC-PRO4A) sa  Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna .

Sa turn over ceremony, sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo  na kasama na ang mga kapulisan na nakikibaka  mula mag-umpisa ang Covid-19 pandemic at karamihan ay mga frontliners na siyang nangangalaga at nagbabantay  ng kalusogan ng ating mga mamamayan sa komunidad.

Sila rin aniya ay  nasa ating mga border control checkpoints at community patrol at tagapangasiwa ng mga quarantine protocols kasama ng mga lokal na pamahalaan.

“The PNP is part of our emergency response during disaster and relief operations including being at the forefront of the Covid situation. Their resilience and selfless service in keeping peace and order amidst the danger of the pandemic is commendable. Kasama natin sila sa hirap at dahil dito marami na rin sa kanila ang nasawi tulad ng ating mga health worker dahil sa Covid,” ayon pa kay Janairo.

Ang Philippine National Police ay may kabuuang 24 fatalities mula sa  kanilang mga miyembro.

Ang nagpositibo ay  7,541 hanggang noong  November 10, 2020 at  7,087 recoveries.

Mayroon namang  430 active cases.

Ayon pa kay Janairo, ang land ambulance ay magpapalakas  sa regional  response capabilities ng PNP upang mapagtagumpayan ang Covid-19 crisis at emergency situation.

Tinanggap ang land ambulance ng mga opisyal ng  RHS-RTOC PRO 4A sa pangunguna ni P/Maj Garry R. Paredez, Chief ng  Medical Dispensary at P/Lt Diosdado A. Bayan.

Mayroon itong  medical equipment kasama ang  automatic external defibrillator, nebulizer, portable suction machine, examining light, aneroid sphygmomanometer, folding stretcher, scoop stretcher, heavy duty stethoscope, at oxygen cylinder.

“The unit was procured through the DOH-HFEP which upgrades the capabilities of government health facilities as well as providing training to health professionals to improve the access of people to quality health care”, ayon pa kay Janairo.

Bukod sa land ambulance, nagdonate din ang regional office  ng  anti-dengue equipment at insecticides na nagkakahalaga ng  PhP2,233,803.403.

Kabilang rito ang  3 spray cans, 560 bottles ng ibat-ibang uri ng insecticides , 100 Olyset rolls, 100 bednets, 10 sets ng PPEs at 100 dengue kits para sa  anti-dengue activities. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •