DOH CALABARZON, naka-code blue alert na; PRC, nagpadala na rin ng ayuda sa pag-alburuto ng Bulkang Taal

DOH CALABARZON, naka-code blue alert na; PRC, nagpadala na rin ng ayuda sa pag-alburuto ng Bulkang Taal

January 13, 2020 @ 12:44 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinailalim na sa code blue alert ang Department of Health Region 4A o CALABARZON

Ayon kay DOH Usec Eric Domingo, nangangahulogan lamang na maging ang mga naka day off na mga health workers ay kailangan na ring pumasok.

Sakali naman aniyang kakailangan pa ng karagdagan pang tauhan ay magpapadala ang DOH mula sa Rehion 5 o NCR.

Muli namang nagpaalala si Domingo sa publiko na gumamit ng protective gear kapag lalabas ng bahay.

Ayon pa sa DOH, mainam na magtakip ng basang bimpo bilang alternatibo kung walamg magamit na mask o N95  masks.

Dapat din umanong magsuot ng salamin bilang proteksyon sa mata.

Nanawagan din ito na kailangang sapat lamang ang bibilhing mask upang  mabigyan naman ng pagkakataon ang iba na makabili lalo na yung may mga sakit sa hika.

SAMANTALA, nagpadala na rin ng ayuda ang Philippine Red Cross o PRC sa mga apektado ng ash fall  sa Batangas at Cavite.

Tatlong emergency truck ang ipinadala sa Batangas habang dalawa naman sa Cavite.

Ideneploy na rin sa mga nasabing lugar ang assessment at analysis team ng PRC.

Nagtayo na rin ng welfare help desk at naglatag na rin ng safety reminders ang PRC  upang nakaiwas sa masamang epekto ng ashfall  mula sa Taal Volcano.

Paalala ni  PRC Chairman  Senator Dick Gordon  na iwasan na ma-expose ang balat sa abo, magsuot ng dust mask bilang proteksyon sa baga at isara lahat ang mga bintana at pintuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •