DOH-CALABARZON naka-code white alert sa Taal volcano

DOH-CALABARZON naka-code white alert sa Taal volcano

July 2, 2021 @ 4:18 PM 5 months ago


MANILA, Philippines – Ang Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at iba pang mga ahensya ng gobyerno ay naka-full alert kasunod Alert Level 3 sa Taal Volcano hanggang Hulyo 1, 2021.

Sinabi ni OIC-Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na lahat ng health facilities sa Batangas ay inilagay na sa code white alert  at handangagbigay ng emergency na pangangalaga sakaling may mass casualties o emergencies.

“We will be providing N95 masks and jerry cans to residents in high-risk areas in preparation for evacuation.”

“The Batangas DOH-Provincial Health Team Office is now mobilized and prepared to provide preventive health measures that may be caused by volcanic eruption including burns, suffocation, skin diseases, respiratory problems and even death,” ayon pa sa director.

Pinayuhan naman nito ang mga residente sa komunidad na malapit sa bulkan na magsuot ng facemask at face shield  dahil sa volcanic smog o vog.

 “Exposure to the vog can cause irritation to the eyes, throat and respiratory tract irritation. Those with health conditions including the elderly, pregnant women and children are most vulnerable to its effects.”

“Pinaalahanan din natin ang mga residente na tayo ay nasa pandemya pa rin at kailangan nating sumunod sa mga community health protocals gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.”

“Sa mga komunidad na nakatira sa paligid ng Taal, doblehin po natin ang pag-iingat at manatiling nakaantabay sa mga anunsiyo at sumunod sa mga utos ng ating acting lokal na pamahalaan para sa ating kaligtasan,” diin ni  Sydiongco. Jocelyn Tabangcura-Domenden