DOH-CALABARZON, umaksiyon para labanan ang dengue

DOH-CALABARZON, umaksiyon para labanan ang dengue

July 3, 2019 @ 11:20 AM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines -Binigyan ng Department of Health (DOH) sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang Military Camp Army Station Hospital, 2nd Infantry Jungle Fighter Division, Philippine Army, Camp Gen. Mateo Capinpin, sa Tanay, Rizal, ng mga anti-dengue at iba pang vector control supplies, na makatutulong sa kanila sa paglaban sa naturang nakamamatay na sakit na nakukuha sa kagat ng lamok.

“We have included all sectors including military camps in our efforts to lessen and eliminate dengue in the community. We have to ensure everyone including our uniformed personnel are safe and protected against mosquito bites that is why we have provided vector control supplies,” ani Regional Director Eduardo Janairo, sa turnover ceremony na ginanap kahapon ng umaga.

“The distribution and installation of Olyset treated nets inside the camp including the hospital is accompanied with the regular anti-dengue misting and clean-up operations. The mosquito nets are embedded with permethrin, which will provide five-year protection from mosquitoes and other insects,” aniya pa.

Nabatid na kabilang sa mga ibinigay ng DOH-CALABARZON ang may 150 rolls ng Olyset nets na nagkakahalaga ng P1.2 milyon; 500 pirasong insecticide treated bednets (P222,500); dalawang unit ng spray can para sa residual spraying (P28,776); limang kahon ng insecticides para sa residual spraying para sa P41,250 at personal protective equipment (P6,800), bukod pa sa long-lasting insecticide treated nets na inilagay sa mga window screens at mga kurtina.

Batay sa ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), may kabuuang 9,669 dengue cases ang naitala nila sa rehiyon sa unang kalahatian ng taon, o 10% increase kumpara sa 8,825 kaso lamang sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Ang mga naging biktima ng sakit ay mga batang wala pang isang taong gulang hanggang mga matatandang nasa 66-taong gulang na.

Karamihan sa mga naapektuhan ay mga lalaki na umabot ang bilang sa kabuuang 5,062 (53%), habang 4,543 (47%) naman ang mga babae.

Sa naturang bilang, nakapagtala ng 39 pasyente na nasawi dahil sa dengue.

Nabatid na ang Cavite ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng sakit na umabot sa 2,651, sinundan ng Batangas (2,123); Laguna (1,966), Quezon (1,653) at Rizal (1,276).

Ang mga munisipalidad at lungsod naman na may pinakamaraming bilang ng kaso ng dengue ay ang Dasmarinas City, Cavite (567 kaso), Calamba City, Laguna (457),  Lipa City, Batangas (427),  Batangas City (422), Bacoor City, Cavite (360), Antipolo City, Rizal (355), Lopez, Quezon (354), at Cabuyao, Laguna (310).

“We shall continue to support our military personnel in the prevention and control of Vector-borne diseases that may affect their health and well-being in the performance of their functions and duties for the preservation and security of our country.  Prevention is still the best protection against dengue,” ayon pa kay Janairo. /Macs Borja


  •  
  •  
  •