DOH, China, UNDP sanib-pwersa sa healthcare waste management

DOH, China, UNDP sanib-pwersa sa healthcare waste management

December 16, 2022 @ 5:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Health (DOH) sa China at United Nations Development Programme (UNDP) para mapabuti ang healthcare waste management sa bansa.

Kasama na dumalo ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Economic and Commercial Counsellor of the Embassy of China in the Philippines Counsellor Yang Guoliang, UNDP representative Edwine Carrie at ilang mga opisyal sa ginawang turnover ng UNDP project sa Pilipinas na nakatuon sa pagpapabuti sa COVID-19 response sa mga lugar ng medical waste management.

Ang proyekto ay may titulong “Learning Experience to Improve the Ability of Response to COVID-19 in Asia and the Pacific” na pinondohan ng South-South Cooperation Fund, sabi ng DOH sa kanilang Facebook page.

Sinabi ng DOH na ang proyekto ay magpapadali sa technical support at pagsasanay ng mga healthcare professionals sa pamamahala ng pangangalagang pangkalusugan.

Ayon pa sa DOH, maraming kagamitan ang naibigay sa bansa na ipapamahagi sa mga ospital at pasilidad.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Vergeire sa UNDP at China para sa pagbibigay ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic na aniya ay tunay na pagpapakita ng ‘bayanihan’ na pangunahing aspeto ng kulturang Filipino.

“We hope that by continuing to forge our partnerships, the work towards a Healthy Pilipinas progresses as well,” sabi ni Vergeire.

Ginawa ang turnover ceremony sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Sanitarium, Saint Joseph Avenue Tala, Caloocan City ngayong Biyernes, Disyembre 16.

Dinaluhan din ito ni Pasig City Vice Mayor Robert Vincent Jaworski at ilang opisyal mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Jocelyn Tabangcura-Domenden