DOH: Close contacts ng BA.2.12 positive, asymptomatic

DOH: Close contacts ng BA.2.12 positive, asymptomatic

May 3, 2022 @ 8:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi nagpapakita ng sintomas sa COVID-19 ang lahat ng close contact ng dayuhang unang kaso ng BA.2.12 Omicron subvariant sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Napag-alaman ng DOH na mayroong ang COVID positive na babaeng Finnish na dumating sa Pilipinas noong Abril 2 ay may 44 close contact – siyam sa Quezon City, lima sa Benguet, at 30 habang sakay ng commercial flight papuntang Maynila.

Sa 30 airplane close contact niya, 25 sa mga ito ay fully vaccinated laban sa COVID-19, ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Dalawa rito ang may negatibong resulta ng swab test, aniya.

Dalawang iba pa ang first dose pa lang ng bakuna, isa sa kanila ay may negatibong resulta ng swab test.

May isang hindi nabakunahan ngunit iyon ay isang 7 taong gulang na bata, na ang tagapag-alaga ay fully vaccinated naman, dagdag pa ni Vergeire.

Sa huli, mayroon pa ring dalawang pasahero na bineberipika ang status ng inoculation, dagdag niya.

“As of today, wala pong nakakaranas pa ng mga sintomas sa lahat ng malalapit na contact nitong babaeng Finnish,” pagsisiguro ni Vergeire.

Samantala, ang iba pang malapit na contact ng Omicron subvariant case sa Quezon City at Baguio City ay “asymptomatic as of this time,” ani Vergeire.

Dalawa sa mga nasa Quezon City ay may negatibong resulta sa isinagawang COVID test. RNT