DOH: COVID patients sa mga ospital nitong holidays, kaunti lamang

DOH: COVID patients sa mga ospital nitong holidays, kaunti lamang

January 3, 2023 @ 2:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na walang masyadong pasyente ng COVID-19 sa mga ospital sa panahon ng holiday season.

Sinabi ni DOH undersecretary Eric Tayag na batay sa direktiba ni Health officer-in—charge Maria Rosario Vergeire, binista ng DOH ang iba’t ibang ospital upang makita ang kanilang kahandaan para sa COVID-19 cases at fireworks injuries.

Hindi naman tinukoy ni Tayag ang bilang ng mga pasyente ng COVID-19 na ginagamot ngayon sa mga ospital.

Bagama’t kaunti ang daily COVID-19 cases, hinimok pa rin ni Tayag ang publiko na magpasuri pa rin para sa COVID-19.

Ayoan kay Tayag, inaasahan na mayroon pa ring maiuulat na kaso kaya naman pinayuhan nito ang publiko na kapag may sintomas at nagdududa sa COVID ay dapat nang magpa-test para nalalaman ang dami ng bilang ng COVID sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden