DOH ‘di nakipag-ugnayan kay Robin Padilla tungkol sa self-swabbing

DOH ‘di nakipag-ugnayan kay Robin Padilla tungkol sa self-swabbing

May 28, 2021 @ 7:32 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Hindi nakipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa aktor na si Robin Padilla hinggil sa ginawang self-swabbing.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, sa regional office ng DOH sila nakipag-ugnayan para pagsabihan na magsagawa ng monitoring.

Iginiit ng opisyal na alam naman ng lahat na mayroong mga pamantayan ang ipinapatupad upang maging accurate ang resulta.

Ito aniya ay nakalagay sa guidelines at protocol na kailangan ay healthcare workers ang gumagawa ng swabbing.

Dagdag pa ni Vergeire, kailangan nangg maayos na proseso tulad na lamang ng pagsusuot ng naka-PPE at marami pang iba.

Paalala ni Vergeire, sana hindi maging basehan ito para masundan ng ibang kababayan natin at kung kailangan ng magpa-swab ay mayroon naman aniyang mga lisensyadong laboratory o mga lisensyado ng DOH na nagho-home service.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng ginawang self-swabbing ng nasabing aktor. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)